Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala nang mga stranded na pasahero o barko sa mga daungan sa buong bansa.
Ayon sa PCG, ipinagpatuloy na ang normal na shipping at fishing operations habang patuloy na lumalayo sa bansa ang Bagyong Falcon.
Sa isang pahayag, inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) Command Center na wala ng namonitor na mga stranded na pasahero, sasakyang pandagat, rolling cargoes, at motorbancas sa lahat ng daungan sa buong bansa kasabay ng unti unting pagganda ng lagay ng panahon.
Ito ay dahil ang natirang apat na stranded na sasakyang pandagat sa Balanacan Port sa Marinduque, Cotta Port sa Quezon, at San Agustin Port sa Romblon ay nagpatuloy na sa kanilang paglalakbay ngayong araw.
Una na rito, mahigpit pa ding nagpapaaalala ang PCG sa mga pasahero na unahin pa rin ang kanilang kaligtasan sa kabila ng kanilang paglalakbay.