-- Advertisements --
image 49

Inilatag ng bureau of treasury ang mga dahilan ng paghusay o improvement sa debt to gdp ratio ng bansa nitong nagdaang 2022. 
Sinabi ni deputy treasurer atty erwin sta ana ng bureau of treasury na pangunahin sa mga dahilan ng pagganda ng antas ng utang ng bansa sa kabuuang kinita ng gobyerno noong isang taon ay ang  pag mature na ng mga pagkakautang, ibig sabihin ay nabayaran po ang bahagi nito.
Malaking factor din aniya ay ang gumandang exchange rate o pagbuti ng sitwasyon ng piso laban sa dolyar sa pagtatapos ng nagdaang taon.
Higit sa lahat aniya ay ang magandang performance ng ekonomiya ng bansa. 
Ipinaalala ni sta ana na  sa 2022 kasi ay naitala ang average growth rate ng ekonomiya sa 7.6%, dahil nagluwag na sa mga restriction sa covid 19,  at pumapasok na ang mga turista. 
kapag lumalaki ang antas ng paglago ng ekonomiya at tumataas ang kita ng gobyerno, bumababa ang ratio .
Maliban dito, sinabi ni sta ana na mula noong enero hanggang nobyembre ng 2022 tumaas sa 18% ang koleksyon ng gobyerno na nakapag ambag aniya para mapaganda ang sitwasyon ng debt to gdp ratio ng bansa.
Ang debt to gdp ratio ayon kay sta ana ay ang agwat o pagkukumpara ng pagkakautag ng pamahalaan sa kinikita ng ekonomiya ng pilipinas.
Paliwanag pa ni sta ana, kapag mababa ang debt to gdp ratio, ibig sabihin nito ay mas may kakayahan ang ating bansa sa pagbabayad ng pagkakautang at mas maraming produktibong paggastos ang pwedeng gawin ng pamahalaan para punuan ang mga pangangailangan at mga programa ng bansa.