-- Advertisements --
Pinailawan na ng mga Christmas lights display sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame.
Napuno ng mga pagtatanghal at fireworks ang nasabing kampo kung saan pinanguahan ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr ang pagpapailaw ng Christmas lights.
Sa mensahe ni PGeneral Azurin na tiniyak nito na hindi magpapabaya ang PNP sa kaligtasan ng mga mamamayan ngayon Holiday Season.
Ang nasabing pagpapailaw ng mga Christmas display ay bilang pakikiisa sa sambayanan sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
Itinturing din ni Azurin na ito ang una at huling Christmas niya bilang PNP chief dahil nakatakda na ito ng magretiro sa susunod na taon.