Binalaan ng Chinese Ministry of Public Safety ang ilang libong mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operators (POGO) na kanilang kakanselahin ang kanilang mga passports kapag nasangkot sa anumang iligal na aktibidad.

Mayroon na rin aniyang listahan ang nasabing opisina ng mga pangalan ng mga Chinese na nagtatrabaho sa mga POGO.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Bureau of Immigration sa Chinese Embassy para sa mga listahan ng mga Chinese na nagtatrabaho sa sa Pogo.

Sinabi naman ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Assistant Vice President for Offshore Gaming and Licensing Department Jose Tria Jr, na kanilang ipapasara ang mga POGO kapag nakitaan nila ang paglabag.