-- Advertisements --

Nalungkot din ang ilang mga British actors ng mabalitaan ang pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Nanguna ang singer na si Elton John kung saan ibinahagi nito ang larawan nila Queen Elizabeth II.

Taong 1998 kasi ng ginawaran ng Knighthood ni Queen Elizabeth II ang singer dahil sa musika at mga charitable works nito.

Ilang mga Hollywood actors din ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa nasabing pagpanaw ng Monarch Queen.

Isa na dito si Dame Helen Mirren na siyang gumanap bilang si Queen Elizabeth sa pelikulang “The Queen” noong 2006.

Maging ang actor na si Sir Patrick Stewart ay inilala si Queen Elizabeth II.

Noong 2010 kasi ay ginawaran sila ng knighthood ni Queen Elizabeth dahil na rin sa mga charity works nito.