FB IMG 1587525070349
nbp1

Ikinatuwa ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang wala nang naitalang bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga bilangguan at penal farms na nasa pangangalaga ng BuCor.

Sa kabuuan, umabot sa 301 Covid cases ang naitala ng BuCor sa kanilang nasasakupan

Ang pinakamaraming kasong naitala ng BuCor ay mula sa National Bilibid Prisons (NBP) na umaabot sa 179

Nasa 141 dito ay Persons Deprived of Liberty (PDLs) at 38 na jail personnel.

Ang iba namang kasong naitala ay mula sa Correctional Institute for Women (CIW) na umabot sa 82 PDLs at pitong pitong personnel ang nagpositibo sa virus.

Sa National Headquarters naman 33 personnel ang na-infect ng COVID-19 habang ang ibang kaso ay mula sa ibang penal farms at colonies ng  BuCor.

Aabot naman sa 145 ang kabuuang nakarecover habang 16 PDLs ang binawian ng buhay.

Tiniyak naman ng BuCor na patuloy ang kanilang COVID-19 testing at contact-tracing efforts para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Panibagong 5,000 rapid test kits mula sa GoJust Programme ang nakatakdang dumating sa BuCor.