Pinahintulutan ng Bureau of Corrections ang mga persons deprived of liberty na nakabilanggo sa Correctional Institution for Women na magdiwang ng araw ng mga puso kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sa isang statement sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na ito ay bahagi ng selebrasyon ng ahensya sa valentine’s day na may temang “Kiss sabay hug”.
Mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ay sinundo ng dalawang bus ng BuCor ang mga PDL patungo sa NBP sa Muntinlupa City at pagkatapos ay inihatid din ang mga ito pabalik.
Samantala, bukod dito ay minarkahan din ng Correctional Institution for Women ang ika-93 founding anniversary nito na may tema namang “Empowering people, improving lives towards building a law abiding and productive community”.