-- Advertisements --

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 75 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P510 million sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Batangas Port nitong Huwebes.

Napag-alaman na ikinasa ng PDEA, katuwang ang iba pang law enforcement agencies, ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y pagpasok ng ilegal na droga na sakay ng barkong nagmula sa Caticlan.

Agad na hinarang at hinalughog ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspek pagdating sa pantalan, kung saan nadiskubre ang malaking bulto ng hinihinalang shabu.

Tatlong katao ang naaresto sa operasyon, kabilang ang isang 17-anyos na driver.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.