Christopher Bong Go
Bong Go

Hindi lang umano relief goods ang ipinaabot na tulong ng pamahalaan sa mga nasunugan sa Olivarez Compound, Olivarez Homes South, Barangay Santo Tomas, Biñan, Laguna.

Sinabi ni Senator-elect Bong Go, makatatangtap din ng tulong para sa kanilang mga naabong tahanan ang mga biktima.

Sa kanyang pagbisita sa mga nasunugan, tiniyak ni Go na pinakiusapan na niya ang National Housing Authority (NHA) para sa kailangang mga materyales sa pagtatayo ng bahay ng mga naapektuhan ng sunog.

Maliban dito, nagpaabot na rin umano ng kanilang commitment ang DSWD, PAGCOR at PCSO para makadagdag pa sa ibang kailangang tulong ng mga biktima.

Inihayag din ni Go na tiniyak din ni Mayor Arman Dimaguila ang partisipasyon ng lokal na pamahalaan para sa reconstruction ng bahay ng mga nasunugan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here