-- Advertisements --
Christopher Bong Go
Bong Go/ FB image

CAGAYAN DE ORO CITY – Pumalo na sa 200 pamilya ang nasunugan sa magkatabing barangay ng Cagayan de Oro City nitong lingo.

Kahit nalulungkot at pansamantalang nagpapasilong sa covered courts at paaralan ang mga nawalan ng tirahan, laking tuwa naman ang kanilang naramdaman ng mabalitaang bibisitahin sila ni Christopher “Bong” Go.

Binanggit ni City Social Welfare Development o CSWD focal person Pata Magto na mamimigay nga cash assistance ang senador sa mga documented na mga pamilyang nawalan at partially damaged ang kanilang mga bahay matapos maganap ang sunog noong, Agosto17, araw ng Sabado at nasundan noong Agosto 20.

Lima ang sugatan sa na-unang sunog, at isang Person With Disability o PWD ang namatay sa pangalawang sunog.

Umabot ang danyos ng dalawang sunog sa mahigit P10-Milyon pesos.

Ito na ang pangalawang pagkakataong bumisita ang senador sa mga nasunugan nitong lungsod.