CENTRAL MINDANAO-T uloy-tuloy ang pamamagi ng tulong ng Provincial Government ng North Cotabato sa pamumuno ni acting Governor Emmylou”Lala” Taliño Mendoza sa mga biktima na sinalanta ng lindol sa probinsya.
Ang Local Government Unit (LGU) sa mga bayan ng Makilala, Tulunan, M’lang at lungsod ng Kidapawan ay namahagi rin ng tulong katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan.
Ngunit kinukulang pa rin ang tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga biktima ng lindol.
Una nang namahagi ng tulong si Senador Bong Go sa bayan ng Tulunan at nangakong madagdagan pa ito sa pamamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit naka Price-Freeze ang mga bilihin sa tatlong bayan at isang siyudad sa North Cotabato ay hirap parin ang mga residente na maitayo ang kanilang mga bahay na sinira ng 6.3 magnitude na lindol dahil nawalan rin sila ng kabuhayan at halos hindi makapagtrabaho.
Hiling ni aling Dolores mula sa bayan ng Makilala na sana may programa ang gobyerno na matulungan sila na maitayo muli ang kanilang mga tahanan na binayo ng lindol o kaya pabahay program.
May mga bakwit parin na nanatili sa mga evacuation centers dahil wala na silang mababalikan na bahay na winasak ng lindol.
Sa ngayon ay halos araw-araw at gabi-gabi ay nararanasang ang mga aftershocks sa North Cotabato na nagdulot ng takot sa mga residente.