-- Advertisements --
image 78

Nasa 821 pamilya o katumbas ng 3 libong evacuees ng Super Bagyong Karding ang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation center.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nagmula ito sa kabuuang 7 libo na mga evacuees na nanunuluyan sa evacuation centers na naitala nuong isang linggo.

Nagmula ang nasabing nga bakwit sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.

Aabot naman na sa mahigit 1.7 milyong indibidwal o katumbas ng halos 300 libong pamilya ang labis na naapektuhan ng kalamidad.