RIVDRGS
-- Advertisements --

Lilimitahan na ng Marikina City government ang mga taong magtutungo sa kanilang Riverbanks Center.

Ito ay matapos na dagsain ang lugar mula ng ipatupad nitong Oktubre 16 ang Alert Level 3 ng Metro Manila.

Sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, na kahit na open area ang lugar ay kanilang ipapatupad ang nasabing paghihigpit.

Sa ganitong paraan aniya ay para hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

May itinalagang magbabantay sa nasabing lugar para pagsabihan ang mga tao na sundin ang ipinapatupad na social distancing.

-- Advertisement --

Magugunitang isa ang Marikina Riverbanks na pinupuntahan ng mga tao na nais mag-ehersisyo at pumasyal ng hindi lamang mga residente ng Marikina at maging mga taga ibang lugar.