-- Advertisements --

Target na iprayoridad ng Department of Agriculture (DA) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sakaling magkaroon na maging available ulit sa market.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar ang uunahin ang mga ito at iba pang indigents sa oras na may sapat na suplay na ng NFA sa bansa.

Aniya nakadepende din ito sa subsidiya na ibibigay ng pamahalaan para sa National Food Authority (NFA).

Paliwanag ni Dar na kung tataasan ang subsidiya para sa NFA dapat na maisama na rin ang mga mahihirap na mamamayan dahil kapag mas maraming pondo mas marami aniya ang mailalabas na bigas sa mga NFA outlets.

Mula nga noong Agosto 2019, hindi na available ang NFA rice sa merkado.

Ayon kay Dar, kapag naibalik ang NFA rice ay hindi na kailangang irepaso pa ang Rice Tarrification law na nagpapahintulot sa unlimited importation ng bigas sa kondisyon na mayroong phytosanitary permit ang mga private sector traders at makapagbayad ng 35% na taripa para sa shipments mula sa karatig na bansa sa Southeast Asia na naging epektibo noong Marso 2019.