CAGAYAN DE ORO CITY – Pangungunahan ng dating commander ng AFP Western Mindanao Command at kasalukuyang kalihim ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) Carlito Galvez ang pagbigay pugay sa mga naging mga tauhan nito na nagbuwis buhay noong 2017 sa kasagsagan ng Marawi Seige.
Magsagawa ng wreath laying ang mga sundalo upang muling sariwian ang kabayanihan ng mahigit 160na kasamahan at iba pang state forces na nasawi nang nilabanan ang mga teroristang Maute-ISIS na nagtangka agawin ang Marawi City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Task Force Bangon Marawi chairman Secretary Eduardo del Rosario na makakasama rin nila sa nabanggit na aktibidad ang local government officials ng Lanao del Sur at Marawi City.
Inihayag ni Del Rosario na nagsagawa rin sila ng peace run at ibang aktibidad bilang pagpaabot ng mensahe na talagang isinulong ng gobyerno ang matagalan na kapayapaan sa lugar.