-- Advertisements --

Isiniwalat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng mapanganib na mga maniobra ang mga barko ng China sa pamamagitan ng pagtatangkang harangin ang Pilipinong scientists na marating ang Sandy Cay reef sa West Philippine Sea.

Nangyari ang insidente kahapon malapit sa Sandy Cay reef, ilang kilometro ang layo mula sa Thitu island sa pinagaagawang Spratly islands.

Ayon kay PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, patungo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources boat lulan ang marine scientists sa naturang reef nang harangin ng China Coast Guard ang daanan nito na malapit ng 100 metro mula sa bangka ng PH.

Subalit ayon sa China Coast Guard, 34 na Pilipino umano ang iligal na nagtungo at tumapak sa reef na tinatawag ng PH na Pagasa Cay 2.

Sinabi pa ni China Coast Guard spokesperson Gan Yu na bumaba din umano ang Chinese law enforcement officers sa lugar kung saan kanilang inimbestigahan at pinangasiwaan ang sitwasyon.

Subalit ayon kay Comm. Tarriela, isa nanaman itong kasinungalingan mula sa Chinese Coast Guard.

Samantala, inihayag din ni Tarriela na nanatili ang scientific team ng 4 na oras sa 2 reefs at nakumpleto ang kanilang misyon sa kabila pa ng presensiya ng mga barko ng China at military helicopter ng China na umiikot sa himpapawid.

Una rito, base sa initial assessment sa Sandy Cay at ikalawang reef malapit sa Thitu na ang mga isda at corals na matatagpuan doon ay nasa very poor state na.

Top