CENTRAL MINDANAO-Upang matulungang mapanatiling drug cleared ang bayan, minabuti ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman na isailalim sa isang pagsasanay ang mga barangay ng bayan.
Batay sa kautusan ng DILG katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, upang maalis sa listahan ang isang barangay nasa listahan ng drug list at mapanatili ay kailangang mas komprehensibo ang bawat community based-drug rehabilitaion program ng mga ito.
Sa mensahe ni Mayor Gelyn, kailangang paghusayan ng bawat barangay ang kanilang mga CBDRP hindi lamang upang mawala sa listahan at mabura ang iligal na droga bagkus ay upang matulungang magbago ang mga Persons Who Used Drugs o PWUDs.
Dagdag pa nito, ang screening, brief intervention at referral to treatment ang isang paraan upang matulungan ang mga PWUDs.
Kasama ang mga kawani ng Provincial Hospital ay kanilang inasikaso at inalam ang mga paraan upang makatulong at mapalakas ang CBDRP ng bawat barangay.