-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang imo-monitor ang mga barangay na may mga nasuspindeng opisyal dahil sa katiwalian sa social ammelioration program (SAP) distribution.
Ayon kay DILG Usec. Martin Dino sa panayam ng Bombo Radyo, hindi mapapabayaan ang mga barangay, lalo’t may mga caretaker naman sa ilalim ng rule of succession, kahit mawala ang mga elected officials dito.
Layunin ng monitoring na makita ang daloy ng serbisyo mula sa national government hanggang sa mga komunidad.
Posible rin umanong masundan pa ang pagsasampa ng kaso laban sa mga barangay officials, kapag nakompleto na nila ang paglikom ng ebidensya.