-- Advertisements --

Tatlong katao ang kumpirmadong patay sa matinding pagbaha sa New South Wales (NSW), Australia, dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Apektado ang mga bayan sa Hunter at Mid North Coast, kung saan libo-libong residente ang inilikas at maraming lugar ang na-isolate.

Kabilang sa mga nasawi ang isang 63-anyos na lalaki sa kanyang binahang tahanan, isang 60-anyos na babae na nalunod matapos tangkain tumawid sa baha, at isang lalaking nasa 30-anyos ang natapuang wala naring buhay. Patuloy ang paghahanap sa isa pang nawawala.

Ayon kay NSW Premier Chris Minns, may 140 flood warnings na inilabas, habang 50,000 katao ang posibleng ma-isolate o kailangang lumikas. Mahigit 100 paaralan ang isinara at maraming kabahayan ang nawalan ng kuryente.

Samanala umabot na sa 590 flood rescues ang naisagawa ng mga awtoridad, gamit ang mga helicopter. Inaasahang magpapatuloy pa ang malalakas na pag-ulan sa mga susunod na araw.