Maagang pumila ang mga bar takers para sa unang araw ng 2022 online at regionalized Bar examinations.
Una nang sinabi ng Korte Suprema nasa kabuuang 9,821 na mga law graduates ang asahang makikibahagi sa unang araw ng 2022 online at regionalized Bar examinations sa 14 local testing centers (LTCs) nationwide.
Ang examination period ay magsisimula dakong alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng katanghalian at mula alas-2:00 hanggang alas-5:”00 ng hapon.
Ang subjects na ite-take ng mga bar hopefuls para bukas ay ang Political Law at International Law sa umaga habang Labor Law naman sa hapon.
Sa November 13, ang Criminal Law (and practical exercises), ang ite-take sa umaga habang Commercial law sa hapon.
Ang ite-take naman sa November 16 ay Civil Law I sa umaga at Civil Law II (and practical exercises) sa hapon.
Sa huling araw ng eksaminasyon sa November 20 ay ite-take na subjects naman ay ang Remedial Law I sa umaga at Remedial Law II (with basic tax remedies) at Legal Ethics sa hapon.
Samantala sa 14 testing centers, ang Ateneo de Manila University ang may pinakamalaking bilang ng mga Bar examinees na aabot sa 2,529 at ang pinakamababang bilang naman ng mga examinees ay ang Ateneo de Zamboanga University na mayroong lamang 267.
Ang bilang ng iba pang Bar examinees sa 12 iba pang testing centers ay San Beda University, 600; De La Salle University, 794; Manila Adventist College, 350; University of the Philippines, Bonifacio Global City, 680 ; Saint Louis University, 1000; De La Salle Lipa, 366; University of Nueva Caceres, 465; University of Cebu, 789; University of San Carlos, 530; Dr. Vicente Orestes Romualdez Educational Foundation, 392; Xavier University-Ateneo de Cagayan, 464 at Ateneo de Davao University, 780.