-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga banyaga na ngayon pa lamang ay pumunta na sa opisina at mga satellite offices ng Bureau para sa anual report.

Noong Enero 1 kasi ay nagsimula na ang annual report para sa mga foreigners na naisyuhan ng immigrant at non-immigrants at mga may hawak ng alien certificate of registration identity card (ACR I-Card).

Una nang sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na marami sa mga banyaga ang mahilig din sa last minute ng pagrerehistro kaya nagsisiksikan.

Dahil dito, habang maaga pa raw ay dapat nang magtungo ang mga banyaga sa BI para hindi na magsiksikan sa huling araw ng annula report dahil na rin sa pagsunod ng pamahalaan sa mga protocols bunsod ng nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mayroong 60 days ang mga foreign at mga immigrant maging ang mga non-immigrant visas na mag-report ng personal sa bureau sa mula Enero 1 hanggang Marso 1

Hinimok rin ni Sandoval ang mga banyagang agad magrehistro sa online appointment system ng BI para mabigyan ang mga ito ng schedule kung kailan ang kanilang annual report.

Aniya nasa 800 slots ng annual report ang naka-reserve kada araw habang pagsapit ng Sabado ay nakareserba naman ito para sa mga mag-a-avail ng services para sa mga accredited entities at remote reporting para naman sa bulk applicants.

Samantala, nilinaw naman ni Atty. Jose Carlitos Licas, BI alien registration chief, puwede pa rin namang mag-report ang mga banyagang lumagpas sa 60-day period sa loob ng 30 days mula nang bumalik ang mga ito sa bansa basta’t valid pa rin ang kanilang re-entry permits.

Kailangan daw ng mga banyagang magprisinta ng kanilang original ACR I-Card at valid passport kasama na ang P300-annual report fee at P10-legal research fee.

Para naman sa nga foreigners na may edad 14-anyos pababa, puwede raw humalili sa kanila ang kanilang mga magulang o guardian.

Ang mga senior citizens at persons with disability ay exempted naman sa personal appearance at puwede silang mag-file sa pamamagitan ng representative kalakip ang Special Power of Attorney.