-- Advertisements --

Hinikayat ng mga ambassadors ng Britain, France at Germany ang United Nations na imbestigahan ang Iran dahil sa pagsusuplay nito ng mga drones sa Russia.

Sa sulat kay UN Secretary General Antonio Guterres na dapat maimbestigahan ang nasabing bansa dahil sa ito ay malaking paglabag sa UN Security Council.

PInayuhan din nito ang UN na bisitahin ang Ukraine para mapatunayan ang nasabing usapin.

Magugunitang maraming mga bansa at international organizations na rin ang nagkondina sa sabwatan ng Iran at Russia dahil sa drones na targets ang mga sibilyan at mga gusali.

Una ng itinanggi ng Russia at Iran ang alegasyon.