-- Advertisements --

Itinanggi ni Sen. Panfilo Lacson ang mga akusasyong propaganda ang kanyang mga kritisismo sa pangulo para sa plano umanong pagtakbo nito sa 2022 presidential elections.

Nilinaw ni Lacson na nagpapakatotoo lang siya sa kanyang mga pahayag at pagpuna kay Pangulong Duterte kamakailan dahil may rason umano ang mga ito.

Nitong Linggo nang magbabala ang senador laban sa panukalang joint investigation sa Recto Bank incident dahil posible raw mawalan ng bisa ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo.

Ito’y matapos tanggapin ng pangulo ang alok ng Beijing.

“To those accusing me of posturing for 2022, I am not. I am just myself – mostly serious, sometimes funny, naughty, controversial, dull, boring.”

Kamakailan din nang punahin ni Lacson ang kawalan umano ng pagdepensa ng pamahalaan sa mga Pilipinong mangingisda na sinasabing biktima ng insidente.

Kinuwestyon ng senador ang mga pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na tila pabor pa raw sa China.