NAGA CITY – Pormal nang napasakamay ng city treasurer’s office ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga ang mga balota na gagamitin sa darating na May 13 election.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Gigi Abola, head ng nasabing opisina, sinabi nitong kaninang umaga ng dumating ang mga balota.

Kabuuang 121 bundles umano ang ngayon ay nasa kustodiya na nila.

Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na kung paano umano nila tinanggap ang nasabing mga balota ganundin nila umano ito idedeliver sa mga guro sa darating na halalan at hindi nila umano ito bubuksan.

Mananatili umano ang nasabing mga kagamitan sa kanilang opisina at irerelease sa Mayo 13.

Nakatakda naman umano silang magsagawa ng cheking ng mga election supplies at paraphernalias araw ng Sabado at Linggo bago ang mismong araw ng eleksyon.