Ipinadala na ng Philippine Consulate in New York ang lahat ng mga balota para sa mga lahat ng mga registered overseas voters na miyembro ng Filipino Community doon.
Ito ay sa kabila nang pagkaantala ng pagdating ng mga balota at iba pang election paraphernalia mula sa Pilipinas at maging sa gitna na rin ng kinakaharap na COVID-19 pandemic ng bansa.
Sa isang statement ay ibinahagi nito na natapos na nilang tatakan ang panghuling election packet na naglalaman ng balota para sa isa nating kababayan na kasalukuyang nasa United States Northeast.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang konsulado sa lahat ng kanilang kawani na iginugol ang lahat ng kanilang oras at maging ang kanilang Holy Week break para lamang matiyak na matatanggap ng ating mga kababayan ang kanilang mga balota para sa kanilang mga pagboto.
Magugunita na una rito ay pansamantalang sinuspindi ng Philippine consulate general sa New York ang ballot feeding sa Kalayaan Hall matapos na ma-stuck sa loob ng vote counting machine (VCM) ang isang balota.