Umaasa ang Malacañang na maging independent ang mga bagong upong senador ng bansa.

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na kahit na karamihan sa mga nanalong senador ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dapat panatilihin nila ang pagiging partisan.

Walang magiging problema rin aniya kung ang mga kaalyado nitong mga senador ay bumatikos sa kaniyang panunungkulan basta ang mga ito ay tama.

Nauna rito marami ang nangamba na magkakaroon na ng kawalan na ng balanse ang gobyerno dahil sa karamihang mga senador na nanalong mga senador sa katatapos na halalan ay kaalyado ng pangulo.