-- Advertisements --

Ibinahagi sa publiko ng mga health experts mula Estados Unidos ang mga bagong impormasyon na kanilang nakalap na nagpapatunay umano na malaki ang epekto ng COVID-19 sa pagiging fertile ng mga kalalakihan.

Sa ginawang pag-aaral, ang study age ay itinugma sa 105 fertile na lalaki na walang COVID-19 at 84 na lalaki na na-diagnose na may coronavirus.

Inaral ng mga eksperto ang kanilang semen sa loob ng 60 araw na may 10-days interval sa bawat isa.

Nabatid ng mga ito ang mataas na inflamation at oxidative stress sa sperm cells ng mga lalaking mga coronavirus disease kumpara sa mga malulusog na kalalakihan.

Naapektuhan din ng virus ang kanilang sperm concentration, mobility, gayundin ang sperm shape ng mga ito.

Ayon pa sa mga eksperto, nakadepende rin ang inferrtility ng mga kalalakihan kung gaano kalala ang kanilang nararanasang sakit.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Dr. Alison Murdoch, head ng Newcastle Fertility Centre sa Newcastle University na matatagpuan sa United Kingdom, na walang ebidensyang nakita ang mga doktor na umaabot ang virus sa semen ng mga lalaki o kung posibleng mahawa ng nakamamatay na virus ang isang tao sa pamamagitan ng semilya.