Papayagan ng organizer ng Wimbledon ang mga babaeng tennis players na magsuot ng dark-coloured na undershorts simula sa susunod na taon.
Isa itong pagbabago na isinagawa ng All England Club mula sa dating dapat ay puti lamang ang suot ng mga babaeng tennis players.
Ayon sa panuntunan na maaring magsuot ng mid o dark coloured undershorts basta hindi ito mas mahaba sa kanilang palda.
Sinabi ni Sally Bolton ang chief executive ng All England Club na inilabas nila ang desisyon matapos ang hiling na rin ng mga manlalaro na dapat ay baguhin ang kasuotan nila.
Ilan sa mga nagpahayag ng reklamo ay si dating Olympic champion Monica Puig na nagsabing dumanas ng mental stress dahil sa pagsusuot ng puti.
Malaking epekto kasi ito sa mga kababaihan lalo na at nasabay sa kanilang monthly period na ikinakabahala nilang baka tumagos dahil sa kanilang kasuotan.