-- Advertisements --

Posibleng walang mga audience na papayagan na manood sa Beijing Winter Olympics sa susunod na taon.

Kasunod ito sa lumalang kaso ng COVID-19 at ang banta ng Omicron coronavirus variant.

Maari lamang payagan ang mga manonood pero mga residente lamang ng China.

Wala pang inanunsiyo ang organizers kung ilan ang papayagan nilang manood sa National Indoor Stadium kung saan may capacity ito na 18,000 na audience.

Gaganapin ang Winter Olympics mula Pebrero 4-20 habang ang Winter Paralympics naman ay sa Marso 4-13.