-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos na maaksidente ang isang pulis mobile sa Quezon City.

Ayon kay PMaj. Jennifer Ganaban, ang public information chief ng Quezon City Police District, na ang mga nasawi ay pawang mga mga persons under police custody.

Nangyari ang insidente pasado alas-11 ng umaga nitong Biyernes, Abril 24.

Base sa inisyal na imbestigasyon,sumalpok ang police mobile sa pader matapos na mawalan umano ito ng preno sa bahagi ng Payatas Road, Quezon City.

Patungo sa Payatas Jail para sa mga commitment ng mga persons under police custody.

Sugatan din sa insidente ang apat na pulis at isang persons under police custody na patuloy na nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.