Sumang-ayon ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na ipagpatuloy ang ‘cross-border’ travels sa mga Asian countries, kabilang ang Pilipinas sa hakbang na pahusayin ang sektor ng turismo bilang bahagi ng pagbangon mula sa masamang epekto sa ekonomiya ng pandemyang Covid-19. .
Sinabi ni Department of Tourism Sec. Christina Garcia Frasco na ang 11th APEC meeting ay nagresulta din sa lahat ng partido na sumang-ayon na i-relax ang arrival protocols para sa short-term travelers at mga returning residents.
Dahil sa mapangwasak na epekto ng pagpapataw ng mahigpit na protocol sa mga manlalakbay, sinabi ni Frasco na kailangang kumilos at paluwagin ang mga paghihigpit upang mabawi ang nawala sa ekonomiya, lalo na sa industriya ng turismo.
Ibinahagi ni Frasco ang optimismo ng Pilipinas na gawing liberal ang arrival protocol para sa mga short-term travelers at mga returning residents habang nagpahayag siya ng suporta para sa interoperability o computerization ng mga vaccine certificates.