-- Advertisements --

Dinistansyahan ng Armed Forces of the Philippines ang isyu pahinggil sa naging pasabog ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabing batid umano ng militar ang umano’y pagiging adik o paggamit ng ilegal na droga ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo ay tumanggi si AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad na magkomento hinggil sa naturang mga alegasyon ng dating pangulo.

Ngunit kasabay nito ay binigyang-diin niya na hindi kabilang sa mandato ng sandatahang lakas na i-monitor ang mga indibidwal na nasa labas ng kanilang organisasyon na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Giit ni col. Trinidad, walang anumang impormasyong hawak kasundaluhan hinggil sa mga ipinahayag ni dating pangulong duterte.

Samantala, kaugnay nito ay binigyang-diin ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na gayunpaman ay mayroong ginagawang regular drug testing ang AFP sa lahat ng mga kasundaluhan upang tiyaking drug-free ang militar.
Kasabay nito ay ipinunto rin niya na may ibang mga ahensya tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nag momonitor ng mga nasa labas ng militar.

Kaalinsabay ng muling pagbibigay-diin na nananatiling non-partisan at tapat sa kanilang mandato na tapusin ang lokal na insurhensya upang mas matutukan ang panlabas na depensa ng pilipinas.