-- Advertisements --

CEBU CITY – Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, gagawin pa rin nang virtual ang mga religious activities para sa ika- 457th Fiesta Señor sa Enero 2022.

Inihayag ng mga opisyal ng Basilica Minore del Sto. Niño na ang lahat ng Novena Masses para sa Fiesta Señor sa susunod na taon ay gagawin online.

Wala namang iba pang religious activities na isasagawa maliban sa motorcade procession sa lungsod ng Cebu sa halip na nakaugaliang fluvial at foot procession.

Limitado lang din sa limang sasakyan ang pinapayagang mag-convoy.

Samantala, mananatili namang bukas ang pilgrim center para sa mga deboto na nais magdasal at magbigay pugay kay Snr. Sto. Niño.

Sarado rin sa publiko ang Basilica church at limitado lang sa 120 katao ang pinahihintulutang makapasok ngunit para lamang sa mga miyembro ng clergy, miyembro ng religious congregation and communities, hermano mayores at mga volunteers.

Humingi naman ng pang-unawa mula sa publiko ang mga opisyal ng simbahan at pamahalaang lungsod dahil para din ito sa kapakanan ng lahat.