KORONADAL CITY – Mas pinaigting at nakataas umano ang alerto ang mga airports sa Canada sa pagdating ng mga tao sa kanilang bansa bilang bahagi ng seguridad laban sa coronavirus disease.
Ayon kay Roy Mesa, isang OFW sa Canada at tubong Brgy. GPS, Koronadal City, isinasailalim sa interview ang isang indibidwal at inaalam ang travel history at may ilang mga dokumento rin na kailangang sagutin.
Iniulat pa ni Mesa na talagang mahigpit ang pagmomonitor nila laban sa COVID-19 lalo na’t high tech ang airport at may mga CCTV umanong kayang malaman ang temperatura ng isang tao.
Ngunit sa kabila nito, kokonti lamang umano ang mga taong gumagamit ng mga face mask.
Ramdam rin umano sa bahagi ng Vancouver ang pangamba ng naturang deadly virus lalo na’t may iilang mga Chinese nationals doon.
Samantala, mahigpit ring pinagbabawal ang pagkain ng mga exotic animals bilang proteksyon sa kanilang kalusugan at makaiwas sa pagkakaroon ng naturang sakit.