DPWH, DSWD AT IBA PANG AHENSYA, PINAGHAHANDA SA SUPER TYPHOON BETTY
loops: DPWH / DSWD / Super typhoon Betty / Sen. Bong Revilla
Pinaghahanda ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan partikular na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng pananalasa ng Super Typhoon Betty na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.
Inalerto din ng senador ang publiko na maghanda sa posibleng bagyo.
Kinakailangan aniyang maging proactive sa halip na maging responsive dahil hindi umano kakayaning may mawala kahit na isang buhay dahil sa kawalan lamang ng paghahanda sa bagyong ito.
Binigyang diin ni Revilla na dapat ay tiyakin ang integridad ng mga pampublikong imprastraktura at siguruhin na bawat tulay, daan, gusali, at iba pa ay nasa maayos na lagay at walang mapahamak kahit isa.
Ipinaalala pa ng senador na ilang ulit na pinagdaanan ang ganitong sitwasyon, kasama iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, NDRRMC at Office of Civil Defense, lalung-lalo na ang mga local government units na silang unang reresponde sa publiko kaya dapat na magtulungan at maging mapagmatyag.