Tiniyak ng Department of Justice (DoJ) na dadaan sa butas ng karayom ang mga Afghans na naiipit sa kaguluhan sa Afghanistan na nais makakuha ng refugee status dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsasagawa ang DoJ ng masusing evaluation sa mga Afghans na umalis na sa kanilang bansa at tutungo dito sa Pilipinas matapos makuha ng militant group na Taliban ang kapangyarihan doon.
Sakaling dumating umano sa bansa ang isang Afghan national at nais mag-apply para sa permanent status bilang refugee ay dadaan sila sa DoJ-Refugees and Stateless Person Unit para sa evaluation.
Titignan ng DoJ kung nakasunod ang mga ito sa international standards.
Kung kinakailangan daw ay ipapatawag din ng DoJ ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang National Intelligence Coordinating Agency para mabusisi kung ang aplikante ay magdudulot ng banta sa ating national security.
Nilinaw naman ni Guevarra na wala umanong limit ang bilang ng mga papapasuking refugees at idadaan ang evaluation sa pamamagitan ng case-by-case o person-to-person basis.
Kapag natapos na ang proseso at nabigyan na ng refugee status ang naturang mga banyaga sa pamamagitan ng DoJ ay ipatutupad naman ng Bureau of Immigration (BI) ang desisyon at mag-iisyu ang mga ito ng kaukulang documentation sa aplikante.
Sa sandaling nabigyan na sila ng refugee status, ang isang aplikante kasama ang kanyang pamilya kung meron man ay puwede nang bumukod at manirahan sa Pilipinas maliban na lamang kapag mayroong ibibigay na tulong ang pamahalaan.
“If Afghan nationals do arrive in the Philippines and apply for permanent status as refugees, the Department of Justice Refugees and Stateless Persons Unit will evaluate whether they meet the international standards for refugee status. If necessary, the National Bureau of Investigation and the National Intelligence Coordinating Agency may be called upon to determine if the applicant poses a threat to national security. Upon determination and grant of refugee status by the DOJ, the Bureau of Immigration will implement the decision and issue the appropriate documentation to the applicant. The Philippines adopts an open-arms policy towards refugees and other persons suffering persecution in their home countries. These include potential Afghan refugees displaced by the current political upheaval in their country,” ani Guevarra.
Ang pahayag ng kalihim ay kasunod na rin ng statement ng Malacanang na willing umano ang Pilipinas na tumanggap ng Afghan refugees.
Kung maalala, nagsisialisan na ang mga Afghans sa kanilang bansa matapos ang marahas na pagpapatupad ng mga practices gaya ng sharia o Islamic religious law.