-- Advertisements --
238294548 4575272599170920 3405001231977620086 n

ILOILO CITY – Nakatanggap na ng first dose ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang 35 miyembro ng Aeta community sa Brgy. Lanit, Jaro, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Hector. Alejano Sr. , special executive assistant to the Mayor for Indigenous People, sinabi nito na napapayag nilang magpabakuna ang mga Aeta sa tulong ng Bombo COVID-19 Vaccine Literacy program kung saan naliwanagan umano ang mga ito sa benepisyo ng pagpapabakuna.

Ngunit ayon kay Alejano, may ilang Aeta rin na nagsitakbuhan matapos malamang papunta na sa kanilang lugar ang vaccination team.

Mayroon namang pumayag na magpabakuna ngunit hindi naturukan dahil may lagnat kung kayat ibinigay na lang sa ibang residente ang bakuna na para sa kanila.

Nakatakda namang komunsulta si Alejano kay Mayor Jerry TreƱas kung ano ang gagawin sa ibang tumakas.