Pumanaw na ang Mexican wrestler na si La Parka sa edad 54.

Kasunod ito ng dalawang matapos ang pananatili sa pagamutan ng magtamo ng injury sa isang wrestling match.

Aksidenteng tumalon si La Parka o si Jesus Alfonso Ezcoboz Huerta subalit tumama ang ulo nito sa guard railing bago lumapag sa ring noong Oktubre.

Naparalyzed ang katawan nito at bumigay na rin ang kaniyang kidney.

Sumikat si La Parka noong 1987 sa sikat na Mexican wrestling federation.

-- Advertisement --

Nagpaabot naman ng pakikiramay sina wrestling superstar Rey Mysterio, Sin Cara at iba pa ng mabalitaan ang pagpanaw ni Ezcoboz Huerta.