-- Advertisements --

Nakatakdang matapos ang restoration at buksan sa publiko sa buwan ng Abril ang Metropolitan Theater (MET) kasabay ng quincentennial commemoration ng panalo sa Mactan.

Ayon sa National Quincentennial Committee (NQC), magsasagawa ng evening show ang Metropolitan Theater sa Abril 27.

Bukod sa opening night, magdadaos din ng event sa Liberty Shrine sa Mactan, Lapu-Lapu City para ipagdiwang ang napakahalagang taon na ito.

Ang ika-500 anibersaryo ng pagkapanalo sa Mactan at iba pang kaganapan sa kasaysayan ay kilala rin bilang 2021 quincentennial commemoration ng Pilipinas alinsunod na rin sa Executive Order No. 103.

Ang Metropolitan Theater ay dinisenyo ni architect Juan Arellano at binuksan noong 1931. Subalit bahagya itong nasira noong World War II.