Nakaranas ang Metro Manila ng bagong all-time high record na 45°C heat index noong Sabado.
Nauna na ring iniulat ngayong araw, na nakapagtala ang PAGASA ng 45°C sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at 42°C sa Quezon City Science Garden. Parehong nasa danger level.
Samantala, hindi rin bababa sa 44 na lugar sa bansa ang nasa danger level, at sinusubaybayan ng state weather bureau. Ang pinakamataas ay sa Aparri, Cagayan sa 48°C kasunod ang Virac, Catanduanes sa 47°C.
Sa panahon ng sobrang init, ipinapayo ng mga eksperto na huwag lumabas ng bahay maliban kung kinakailangan at palaging uminom ng tubig upang manatiling hydrated.
Kapag nakakaranas ng pagkahilo, pagkalito, panlalabo ng paningin, o pagkawala ng balanse, magpatingin kaagad sa doktor.