-- Advertisements --

Hiniling ng mga Metro Manila mayor sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na suspendihin muna ang polisiya sa pagpayag na makalabas na rin ang mga bata na may edad lima pataas dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na lahat ng mga alkalde sa Metro Manila ay sang-ayon sa nasabing suspensiyon.

Hindi pa kasi aniya puwedeng mabakunahan ang mga bata kaya maaaring sila ay maging super spreader.

Nauna nang nagtala ang Department of Health ng 35 na kaso ng Delta variant sa bansa.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay pinayagan ng IATF na payagang makalabas ang mga kabataan na nasa edad lima pataas sa mga open air na pasyalan at kainan.