Inilagay sa moderate risk para sa COVID-19 ang Metro Manila matapos na makapagtala ng pagtaas sa naitatalang kaso kada araw sa nakalipas na daalwang linggo.
Paliwanag ni Department of Health (DOH), sumampa sa average na 2,334 ang bagong kaso ng covid-19 kada araw sa bansa mula noong Setyembre 22 hanggang 28 ng kasalukuyang taon. Ito ay dalawang porsyento na mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo at 7% naman na mas mataas sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa ngayon nasa 13 mula sa 17 siyudad at isang munisipalidad sa rehiyon ang nasa moderate risk ng covid-19.
Sa mga lugar naman sa buong bansa, ayon kay Vergeire, patuloy na mas mababa sa 50% ang hospitalization rates kung saan nakakaranas ng pagkapuno sa hospital wards ang nasa apat o limang lugar sa Metro Manila.
Bilang tugon, nakipagkita ang DOH official sa LGUs at hospital administrators sa Metro Manila para mailipat ang mga mild at asymptomatic patients ng covid-19 upang ma-decongest ang mga ospital.
Ilan sa mga nakikitang factors na nagresulta sa pagtaas ng bagong dinadapuan ng virus ay ang mataas na mobility bunsod ng pagbabalik ng face to face classes, at behavior ng mga tao sa kanilang pagsusuot ng face mask na boluntaryo na lamang sa outdoors at pagbabakuna.
-- Advertisements --