-- Advertisements --

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan thunderstorms ngayong araw ang Metro Manila pati na rin ang ilang lugar sa Luzon.

Ayon sa Pagasa, bunsod ito ng tail-end of a cold front, na nakaka-apekto sa Norhtern Luzon.

Kabilang sa iba pang mga apektadong lugar ay ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at mga probinsya ng Rizal at Quezon.

Samantala, sinabi naman ng Pagasa na ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers.

Nagbabala ang state weather bureau sa posibilida na magkaroon ng flash floods at landslands sa oras na magkaroon ng severe thunderstorms.