-- Advertisements --
Tinaggal ng Meta ang may-ari ng social media giant na Facebook ang 11,000 na empleyado nito.
Ayon kay Meta owner Mark Zuckerberg na ang nasabing bilang ay 13 percent lamang sa workforce ng kumpanya.
Maapektuhan dito ang research lab na nakatuon sa metaverse ganun din sa mga app kabilang ang Facebook, Instagram at messaging platform na Whatsapp.
Dagdag pa nito na kaniyang aakuhin ang naging desisyon na ito at humingi siya ng paumanhin sa mga naapektuhang empleyado.
Pagtitiyak nito na ang 87,000 na natitirang empleyado nito sa buong mundo ay magpapatuloy para dumami ang mga maglalagay ng investment sa nasabing kumpanya.