-- Advertisements --
Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magkakaroon sila ng scheduled maintenance sa ilang bahagi ng Luzon na nag-umpisa kahapon, Abril 3 hanggang 12, na posibleng magdulot ng temporary power interruptions sa mga apektadong lugar.
Narito ang mga sumusunod na lugar:
Abril 3
- Tondo, Manila – 8:30 a.m. hanggang 1:30 p.m., line reconstruction sa MICT Road.
- General Trias, Cavite – 7 a.m. hanggang 8 p.m., maintenance sa Purefoods Hormel Company Plants 1–3 sa Sitio De Fuego, Brgy. San Francisco.
Abril 4
- Calamba, Laguna – 9 a.m. hanggang 4 p.m., preventive maintenance at testing sa Meralco CIPP substation.
- Carmelray Industrial Park 2, Brgy. Punta – maintenance sa mga planta at kumpanya sa bahagi ng Makiling Drive at San Juan River Drive.
Abril 5
- Cavite (Alfonso, Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Trias, Magallanes, Maragondon, Naic, Tanza, Ternate, Trece Martires) – 7 p.m. hanggang 7:30 p.m., load normalization para sa NGCP Tuy–Dasmariñas 500kV Line Project.
- Maraming barangay sa bawat lungsod ang apektado.
Abril 7–8
- Muntinlupa (Alabang, Cupang, Sucat) – replacement ng mga pasilidad sa Manila South Road, Brgy. Alabang.
Pinapayuhan ng Meralco ang mga residente at negosyo na maghanda sa posibleng power interruption at maglaan ng backup plan para sa kuryente.
















