Nag-anunsyo ang Manila Electric Co. o Meralco na maaari pa rin humingi ng tulong o dumulog sa kanilang tanggapan ang kanilang customers kung may kinakaharap na problema sa kuryente sa gitna ng Semana Santa.
Ito ay ang pagtitiyak ng ahensya sa 7.6 milyong mga customer nito.
Bagama’t isasara ang Meralco Business Centers mula ngayong araw hanggang 10, ang mga tauhan ng kumpanya ay 24/7 namang bukas upang tugunan ang anumang problema sa kuryente.
Kung matatandaan, hinikayat ng Meralco ang mga customer na paigtingin ang electrical safety at energy efficiency sa ganitong mga panahon.
Sa kabila ng pagsasara ng mga opisina, tiniyak ng Meralco sa mga subscribers na ang mga tauhan nito ay naka-standby sa buong oras upang tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga customers.
Una na rito, magpapatuloy ang mga regular na operasyon ng ahensya sa Martes, Abril 11.