-- Advertisements --
image 85

Inanunsiyo ngayong araw ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.2347 kada kilowatt per hour na taas singil sa kuryente ngayong Nobiyembre.

Kayat ang kabuuang rate para sa typical household ay tumaas sa P12.0545 per kWh ngayong buwan mula sa P11.8198 per kWh noong Oktubre.

Para sa residential customers na komokunsumo ng 200 kilowatt hour, magkakaroon ng pagtaas na P47 sa kanilang kabuuang bill sa kuryente.

Ang taas singil sa kuryente ay dahil sa pagtaas ng transmission charge sa P0.1211 kada kilowatt hour para sa residential customers.

Maliban dito, sobra sa triple ang tinaas ng ancillary service charge ng National Grid Corporation of the Philippines para sa pag-regulate ng mga reserbang kuryente gayundin nagkaroon ng pagtaas sa generation charge at sa iba pang charges.

Top