Nagsagawa ang Department of Education ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPPS) sa mahigit 1,000 estudyante at 100 Guro sa Masbate, kasunod ng naranasan na armed conflict ng probinsya.
Mula Abril 25 hanggang 27, nagsagawa ang Kagawaran ng mga aktibidad ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) sa Villahermosa Elementary School at Villahermosa National High School sa Cawayan, Masbate, at Locso-an Elementary School at Arriesgado-Sevilleno National High School sa Placer, Masbate.
Ang mga kaganapang ito ay pinangunahan ng Disaster Risk Reduction Management Service (DRRMS) kasama ang Learners Rights and Protection Office (LRPO).
Kung matatandaan, noong Abril, sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na 55,000 learners at 2,815 DepEd teaching and non-teaching personnel ang apektado ng armed conflict sa probinsya ng Masbate pa lamang.
Upang mas maprotektahan ang mga mag-aaral at mga guro, sinabi ng Schools Division Office sa Masbate na pinaplano nilang palakasin ang kapasidad ng mga paaralan sa suporta ng DepEd Central at Regional Office.