-- Advertisements --

Ikinatuwa na ng Philippine men’s volleyball team matapos na tuluyan na silang nakasama sa groupings para sa 2023 Cambodia Southeast Asian Games.

Base sa isinagawang draw, ay napabilang ang men’s national basketball team sa Group A.

Kasama nila sa grupo ang Indonesia, Singapore at ang host country na Cambodia.

Nasa Group B naman ang Vietnam, Thailand, Malaysia at Myanmar.

Pinasalamatan naman ni Philippine National Volleyball Federation chairman for the national team commission Tony Boy Liao ang Philippine Olympic Committee dahil sa agad na pagtugon para sila ay hindi maiwan sa kumpetisyon.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagulat ang men’s volleyball team ng bansa matapos na hindi sila nakasama sa listahan ng mga sasabak sa SEA Games na magsisimula sa buwan ng Mayo kaya umapela sila at pinaulit ang drawlots.