CENTRAL MINDANAO- Muling nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato ng panibagong suspected case ng Coronavirus Disease (Covid 19).
Batay sa datus ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, isang menor de edad na estudyanteng naabutan ng lockdown sa Bulacan ang suspected case.
Nagpakita ito ng sintomas ilang araw pag-uwi nito sa bayan ang biktima.
Kinumpirma naman ni Incident Commander at MHO Dr Sofronio Edu Jr na nasa mabuting kalagayan ang suspected case at ito’y na swab test na.
Hinala din ni Edu na maaaring ito’y dulot ng pabago-bagong panahon kung kaya nagkaroon ito ng ubo at sipon.
Patuloy din ang pagmomonitor sa suspected case na naka home quarantine.
Paliwanag ni Edu, may kakahayaan umano ang pamilya ng suspected na maisailalim ang pasyente sa hiwalay na pasilidad.
Samantala, abot na sa 848 ang cleared sa bayan habang nasa 163 naman ang PUM.
Patuloy parin sa kampanya ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr na sumunod ang bawat kabakeño sa health protocols na ipinapatupad sa bayan.
















